Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

CHAPTER 58



Patricia's POV (Liars)

"Bakit ikaw lang mag isa ang pumunta rito? Where's your husband?"

Iyon ang bungad sa akin ni mommy ng sorpresahin ko sila ngayon dahil hindi ako nag sabi na bibisitahin ko sila. Nag paalam ako kay Callum na uuwi rin ako bago gumabi. He's still have work even though it is Sunday today so I went here alone. I'm with some bodyguards and driver instead.

"He's busy, mom" sabi ko at bumeso sa kanya.

Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. "We missed you! Sorry, we're too busy to visit you. Good thing that you had free time today,"

"Of course, mom" ngumiti ako. "Sila daddy at Jordan? Cooping in their room?"

"Yes! Kapag sinabi kong nandito ka ay siuradong lalabas ang mga 'yon. Especially Jordan, he misses you," she pouted.

"Ako na lang po ang pupunta sa room niya," paalam ko.

"Right! And also to your dad. Matatapos na ako sa pagluluto, kakain na tayo ng lunch,"

Una ako'ng pumunta sa kwarto ni Jordan. Kumakatok ako pero hindi binubuksan ang pinto. He's probably facing his computer again. Muli ako'ng kumatok at napangiti ng makita na pumihit ang doorknob.

"What is it, mom-Ate?!"

Mabilis niya akong sinugod ng yakap. Tumawa ako at hinaplos ang ulo niya.

"You're here!" he shouted and even jumped like a kid. "I miss you!"

"You're cooping inside your room again!" I jokingly pinch his ear. "Mom almost done cooking. Let's eat,"

Nakangiti siya'ng tumango bago isinara ang pinto. Pababa na kami sa hagdan ng lumabas si daddy sa kwarto niya.

"Patricia?" nanlaki ang mata niya, kalaunan ay ngumiti. "How are you, honey? What brought you here?"

Pilit ako'ng ngumiti nang halikan niya ako sa ulo. "Okay lang, dad. I just wanted to visit here,"

Humawak na ako sa braso ni Jordan at sabay bumaba. Nakita namin si mommy na nag-aayos na sa lamesa.

"Ang bango!" natatakam kong sabi bago umupo.

Katabi ko si Jordan at sa harap namin sila mommy. Nag simula kami kumain at aaminin kong namiss ko 'to! Sa bahay kasi ay kung hindi ko kasabay si Callum, wala akong kasama kumain. "How was your experience so far, anak?" biglang tanong ni mommy at tumingin sa tiyan ko. "No more morning sickness? Like vomiting or dizziness?"

I smiled shortly. "Everything's fine, mom"

"Where's Callum? Bakit nga ba hindi mo siya kasama?" tanong naman ni daddy. "Have you had your bodyguards with you?"

"He's in the company, working. And yes dad, I'm with my bodyguards,"

Tumango-tango siya at nag patuloy sa pagkain.

I can't help but to look at him for a moment. He looks normal though, he was not acting strange. But why I'm feeling this? I badly want to know the truth.

Alam ko na lahat ng pera na nawala sa kompanya namin noon ay hindi pa nababawi ng buo pero nalakas na ulit ang kompanya namin dahil sa mga Velasquez.

"Uh, mommy? How's our company?" I asked even though I know the answer.

"Oh, it's increasing honey! There's no problem there. Why?"

Umiling ako. "Wala naman po,"

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa kanila. Pinanatag ko muna ang loob ko at inisp ng mabuti ang sasabihin ko.

"How about Roberto Lim, mom? Have you ever encountered him? Or maybe business partners?"

Nanlaki agad ang mata ni mommy habang si daddy ay nasamid. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba.

"How did you know him, Patricia?" mom asked aggressively as if it's a wrong question.

"Why, mom? Sino ba siya?" tanong ko pero ang mata ko ay kay daddy.

"He's a monster when it comes to money!" ani mommy na para bang nandidiri. "Why? Is he associated with Callum? Negotiating? Oh my god! Ngayon pa lang pigilan mo na ang asawa mo-"

"Uh, no mom," agap ko. "I just heard his name the last time Callum take me to their celebration with business partners,"

Nakahinga siya ng maluwag. "Buti naman,"

"Have you already encountered him, mom? Is that man should be avoided to?"

"There's no way that I'll get near him!" she rolled her eyes. "His issues and doing is just so hilarious! Even your dad doesn't meet him yet and we will never be,"

Tumaas ang kilay ko.

Gusto kong matawa ng sarkastiko habang nakikita si daddy na naiilang. What are you hiding, daddy? I'm not just worried about what I might find out but also to mommy's reaction once she knew that daddy was seeing that man. Parang nawalan ako ng gana at mabilis tinapos ang pagkain. Pinili kong pumunta sa likod ng bahay para magpahangin. Umupo ako sa wooden chair.

I still remember our fresh memories here when I and Jordan are still young. Wala kaming problema na kahit ano noon hanggang sa unti-unting naging komplikado ang sitwasyon kasabay ng pag laki namin ng kapatid ko. Back then, my only problem is how can I won in beauty pageants and surviving a year of studying with highest honors but now, I'm already seeking information about my parent's secret.

"I thought you're in your room,"

Napalingon ako at nakita si daddy na papalapit. Naging blangko ang mukha ko.

Umupo siya sa katabi kong upuan at ngumiti.

"Ah...nagpapahangin lang po," sabi ko ng hindi siya tinitignan.

Saglit namuno ang katahimikan sa pagitan namin

Ngayon lang ito nangyari sa amin. I always greeted him with a tight hug and kiss. Sometimes, we always talked about something funny and will laughed together.

But I can't do that now. Hindi ko kaya dahil pakiramdam ko, niloloko ko lang ang sarili ko.

I heard daddy cleared his throat. "How are the Velasquez's, Pat? Their company?"

"I don't know about their company but I'm sure that it's getting better," huminga ako ng malalim. "How about you, dad? How are you doing?"

Maikli siya'ng ngumiti. "Good, we're fine. Still focusing on our business's success"

I smiled sarcastically.

How can he explain those pictures then? I want to ask him about that but there's something stopping me.

"You're not doing anything that might drowned our family again, right?" I asked that made him shiver.

Umawang ang labi niya at bakas ang pagkabigla sa mukha.

"O-Of course, Patricia" nanginig ang boses niya. "Bakit mo nasabi 'yan?"

Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. Guilty, huh?

"Wala lang po..." I folded my arm. "I just don't want us to experience that again. I know you and mommy are doing great jobs and good decisions,"

My face was serious to show him that I'm not joking.

He's obviously not comfortable with my words today so I stood up.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"I'll just go to my room, dad" sambit ko. "Magpapahinga lang po,"

"Oh, okay," he uttered, there's still nervousness through his face. "You should rest..."

Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa kwarto.

Nanghihina ako'ng umupo sa kama. Sinuyod ko nang kamay ang buhok ko. It's really frustrating! I need to make move. I need to do something!

I quickly took my phone and called Jess.

"Hello?" mabilis na sagot ni Jess sa tawag.

Huminga ako ng malalim. "Uh...Jess?"

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone.

"Hmmm? What is it? Any problem?"

"Can you help me?" I asked, pleading. "I will send you some pictures. I want to know who are those person that daddy with. Their backgrounds, business, doings and everything..." "O-Okay, I'll do my best" sambit niya. "Are you okay, Pat?"

"I'm not..." I whispered. "Just update me regarding my favor, Jess. Thank you,"noveldrama

"S-Sige, basta ikaw!"

Pinatay ko agad ang tawag. Humiga ako sa kama na mabigat ang loob, minasahe ko rin ang ulo ko na sobra na ang sakit ngayon sa dami ng iniisip.

I was just staring at the ceiling when I decided to stoop up and get my bag.

Uuwi na ako. This house and seeing dad just continuously frustrates me!

Nag paalam ako kay Jordan. Nalungkot pa siya no'ng una pero sinabi ko naman na bibisita ulit ako sa susunod kahit ang totoo, hindi ko alam kung kaya ko pa ba na makita si daddy at marinig na nagsisinungaling siya. Hindi na ako nag paalam kila mommy. Sinabi ko na lang sa isang katulong na sabihing umalis na ako.

Ang driver parin ang kasama ko pauwi at ilang mga tauhan ni Callum na nakasunod sa sasakyan namin.

Pagkarating sa bahay ay nag text agad ako kay Callum na nakauwi na ako para hindi na siya mag-alala. Dumiretso ako sa kwarto namin at nag palit ng damit bago humiga sa kama.

Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Kanina ay hindi ko nagawang matulog o mag pahinga matapos ng usapan namin ni daddy.

Mabigat na ang talukap ng mata ko kaya nag set ako ng alarm ng pag gising.

-

Hindi sa tunog ng alarm ako nagising kundi sa ingay ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa side table at tuloy ang pag ring. I saw Jess calling.

"Hello..." I answered in a sleepy voice.

"Oh, sorry. Did I just disturb your sleep?"

"No, Jess. What is it?" I tried to open my eyes widely and sat on the bed.

"Tungkol ito sa ipinapagawa mo..." aniya na nag paalis ng antok ko. "I think it's better if we'll just meet tomorrow? What I gathered is just so questionable and hard to understand," Bigla ako'ng kinabahan dahil iba ang tono niya.

"We will talk about it tomorrow. Para maipaliwanag ko sayo lahat,"

"Okay, see you tomorrow then?" sambit ko.

"Yes. I will hang up now. I still have something to do," aniya bago pinutol ang tawag.

Bumuga ako ng hangin bago tumayo. Madilim na sa labas kaya isinara ko na ang kurtina ng bintana. Bumaba ako para uminom ng gatas at nakita ko roon ang isang katulong. "Ate?" tawag ko rito. "Nag luto na ho ba kayo ng pagkain?"

Umiling siya at medyo nataranta. "Hindi pa po. Nagugutom na po kayo? Na'ko! Sige, magluluto na po ako-"

"Uh, hindi po!" agad kong sabi. "Nag tanong po ako kasi gusto ko na ako ang mag luto ng pagkain ngayon. Pweded po ba?"

Ngumiti ako ng mabilis siya'ng tumango. "Ayos lang po, Mam!"

Inubos ko agad ang gatas na iniinom at nag text kay Callum na sabay kaming kakain at ako ang magluluto. He texted that he will be here at 7:30.

Ipinusod ko ang buhok bago humanap ng pwede iluto. I saw some beef and vegetables in the fridge so I decided to cook steak and some salad. May natira pa na ulam kaya ininit ko na lang din 'yon. Exactly 7:00 pm when I finished cooking. I even had a little cut on my finger when I cut some ingredients. Hindi bale na, para naman kay Callum ang iniluto ko.

I took a quick shower and exactly 7:30, I go downstairs to prepare the foods on the table. Nakangiti ako habang naghihintay kay Callum sa dining area pero halos pumatak na ang alas otso ay wala parin siya. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang wala naman siya'ng text. I even called him but he's out of reach. Maybe driving or traffic?

Lumabas pa ako at nag hintay malapit sa gate kahit malalim na ang gabi.

Sinubukan kong tawagan siya pero wala talaga. Umusbong ang pag-aalala sa akin lalo na ng pumatak ang alas nuwebe. Wala parin siya!

"Where are you, Callum..." kinakabahan kong sabi bago pumasok ulit sa loob.

He's not going home this late. Naalala kong sinabi niya na 6:00 pm pa lang ay umaalis na siya ng opisina pero bakit ngayon?

Napatigil ako ng maalala na may number nga pala ako ng secretary niya! Siya pa mismo ang nag bigay niyon in case na hindi ko siya ma-contact.

I immediately called his secretary and I smiled when she answered it.

"Mam Patricia?" ani ng secretary. "Napatawag po kayo? May kailangan-"

"Uh, yes!" I said. "I just want to ask if Callum was still there in his office?"

"Na'ko, kakaalis ko lang po sa kompanya at wala na po roon si Sir,"

"Ah, ganoon ba? Alam mo ba kung ano'ng oras siya umalis?"

Naririnig ko ang ingay ng sasakyan sa kabilang linya kaya wala na talaga siya sa trabaho.

"Actually, half day lang po siya sa kompanya. May mahalaga raw po kasi siya'ng aasikasuhin-"

"What?" laglag panga kong tanong. "I thought he's there?"

Hindi ko alam pero bigla ako'ng kinabahan.

"Akala ko nga po pupuntahan niya kayo. Hindi naman po nakalagay sa schedule ang sinasabi niya'ng importanteng gagawin,"

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. "Sige, thank for your time"

"Anything for you, Mam"

Pinatay ko ang tawag at akmang pupunta sa dining are ng mag vibrte ang cellphone ko.

My hands trembled as I read Callum's message.

From: Callum

Sorry for the late reply, love. Just finished reviewing some documents. I think I'll be home at 10.

I let out a sad smile.

Pangalawa na siya'ng nag sinungaling sa'kin ngayong araw.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.