Respectfully Yours

Chapter 47



Chapter 47

Anikka

"Lukas what's wrong." Sabi ko sa kanya habang nagmamaneho. Hindi ko na matiis ang katahimikan na

namamagitan sa amin, para kaming may pinag-awayan kahit naman wala. Kanina pa siya walang imik,

simula nang umalis kami sa Aristocrat --hindi, noong nakita niya si Eris, para na siyang wala na sa

sarili niya. Hindi ko tuloy maiwasan na magduda, may namamagitan ba sa kanila noon? Hindi naman

ako tanga para di maisip iyon. Hindi ko mapigilan na magduda o mag-isip ng mga kung ano ano. Hindi

magkakaganoon si Lukas nung nakita siya kung magkaibigan lang sila, specifically, isang mabuting

kaibigan.

"No, I'm just thinking something." Napalingon ako sa kanya, sino ang iniisip niya si Eris, kaya ba hindi

siya kumikibo? Hindi naman siya ganito dati, kahit marami siyang problema kukulitin pa rin niya ako.

Pero ngayon? Parang hindi si Lukas ang kasama ko.

"Si Eris ba?" Mahinahon kong tanong, oo Anikka tama lang na huminahon ka. Hindi ka pa naman

sigurado sa pagdududa mong iyan. Malay mo may hindi lang sila pagkaka-unawaan noon. Malaki ang

tiwala mo sa kanya, right?

Pero natigilan siya, sanhi ng malakas niyang pagpreno, halos masubsob na ako sa dashboard ng

montero. So totoo nga.

Pinaandar niya muli yung sasakyan at inayos ko naman ang aking sarili.

"Anong meron sa inyo noon?" Naglakas loob kong tanungin sa kanya, may karapatan din naman

akong siguro magtanong sa nakaraan niya diba?

"We're just friends, nagulat ako dahil nakita ko siya." Diretsong sabi niya. So hanggang ngayon

shocked pa rin siya kay Eris a?noveldrama

"May hindi ba kayo pagkakaunawaan noon?" tanong ko.

"Wa-wala." Aniya, napatitig muli ako sa kanya habang nakapokus sa pagmamaneho. Napatingin siya

sa akin at nginitian nang namalayan na nakatingin ako sa kanya.

Hindi ako kuntento sa pinagsasasagot niya. Pakiramdam ko ay parang may dapat pa akong malaman,

na mas malalim, ukol doon. Hindi ko na siya tinanong pa, baka hindi rin niya sagutin ayon sa gusto ko

at isa pa malalaman ko rin naman iyon. Napatingin na lang muli ako sa daan habang sinisikmura ang

pananahimik muli ni Lukas.

Ayoko rin naman na masyadong maging clingy sa kanya, baka naman masakal siya sa akin at bigla na

lang ako iwan. Baka hindi ko kayanin iyon, lalo pa at alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na may mamuong tampo ako sa kanya, bakit siya nagkaganoon dahil sa

kanya, hindi man lang ako kinikibo, parang walang Anikka sa tabi niya. Siguro pag bumaba ako ay

hindi pa niya mamamalayan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi ko alam kung magpapaalam pa ba ako o bababa na.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa kanyang sarili.

Pero naisipan ko rin na magpaalam sa kanya na maayos, dahil kahit ganoon siya kanina ay ihatid niya

ako sa bahay ng maayos.

Pero bago bumuka ang bibig ko sa pagsasalita ay naunahan na niya ako.

"Baby I'm so sorry." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Napakahigpit noon, tila ayaw niya akong

pakawalan sa kanyang mga bisig. Ramdam na ramdam ko yung init mula sa kanya, ang init ng

kanyang pagmamahal na sapat nang tunawin ang namumuong pagtatampo ko sa kanya. Mahal pa rin

niya ako.

Oo mahal ka nang hinayupak na iyan!

"Babawi ako sayo ha." Bago pa ako makapagsalita ay inangkin niya ang aking mga labi. Bakit na ang

bilis bilis niya. Aish!

....................

Nilabas ko na lahat ng damit na binili sa akin ni Mama. Ayoko muna magsuot ng pangmanang na damit

na tipical kong isinusuot, gusto ko maiba naman. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Siguro ay

gusto ko lang maging maganda sa paningin niya.

Sus! Kahit ano pang isuot mo maganda ka pa rin sa paningin niya. Chos!

Lukas calling....

Sa sobrang sabik ko ay pati iyon ay Agad kong sinagot.

"I'm so sorry Anikka, may emergency meeting kami. My lolo requires me to go. I'm really sorry maybe

next time." Sabi ni Lukas na may malungkot na tono. Siguro ay gusto niya talaga akong siputin pero

wala siyang magawa.

"Ok I understand." Kahit pa sinabi ko iyon ay hindi ko maiwasan na malungkot, he promised me, alam

ko babawi siya. Yung tampo ko kahapon sa kanya ay bigla nanumbalik, tila mas malala pa. Umasa ako

sa wala.Bihis na bihis pa naman ako ngayon tapos hindi pala tuloy ang lakad namin. Sayang lang ang

effort ko, umasa lang ako sa kanya.

Pero ganoon talaga, kailangan kong intindihin iyon, wala rin naman akong magagawa doon. Para rin

naman iyon sa amin, pati na rin sa kumpanya.

Wala akong ganang ibinalik ang nga damit sa closet at isinuot ang kung ano mang mapulot kong

damit.

Kung kausapin ko na lang si Eris, yung tungkol sa kanila. Baka makakuha ako ng sagot sa kanya.

Agad komg dinial ang number niya. Tama dapat makausap ko siya para mahinto na itong pagdudang

namumuo sa akin. Para mahinto na, ayokong mag-iisip ng kung ano ano. Ako pa naman yung tipo ng

tao na hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang sagot na nais.

"Hello?" Ani ni Eris sa kabilang linya.

"Hi Eris! This is Anikka, can we talk." Sabi ko.

"We're talking already Anikka." Napakunot ako ng noo, aba marunong na pala mamilosopo ang

kaibigan ko ngayon. Hindi ko na siya masyadong kilala ngayon. Siguro ay dapat ko na siyang

makausap.

Pinilit kong kumalma sa pagtugon sa kanya. Huwag kang maiinis Anikka.

"O-ok, I just wanna see you. Alam mo naman some catch-up."

"I'd like that dear friend, I'm here at Aristocrat, alone. Can you come up?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sure, why not." Masaya kong sabi, pakiramdam ko ay madali ko siyang makaka-usap ngayon dahil sa

boses niya ay mukhang nasa mood siya.

Habang tinatahak ko ang kahabaan ng Edsa ay parang kinakabahan ako. Parang may mangyayari sa

akin? Tuloy ay gusto kong magback-out at pero kailangan kong maka-usap si Eris. Kailangan na

kailangan.

Mas nangibabaw pa rin sa akin ang makausap si Eris, mawawala rin naman ang kaba ko. Patuloy pa

rin ako sa pagpunta sa Aristocrat.

Pagpark ko sa aking Honda Jazz ay agad naningkit ang mga mata ko dahil sa bumungad sa akin sa

bintana ng restaurant.

May magkayakap na babae at lalaki.

at hindi ako maaring magkamali kung sino sila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.