Once Upon A Time

Chapter 21



Chapter 21

PINAGMASDAN ni Dean ang kabuuan ng dream house ni Selena. Tapos na iyon at fully-furnished na

rin. Ganoong-ganoon ang pangarap ni Selena na bahay. Dalawang palapag iyon na puro salamin ang

haligi. Mayroong katamtamang taas na gate na dark brown ang kulay ang gusto ng asawa para

kakulay daw ng mga mata nila ni Elijah. A sad smile formed his lips.

Mayroon iyong hugis-pusong swimming pool sa labas at may maliit na fountain sa bungad. Pagpasok

sa loob ay sasalubong ang pinaghalong krema at pula na siyang mga pangunahing kulay roon bilang

siya ring mga paboritong kulay ni Selena. Mayroon din iyong anim na kwarto. Isang master bedroom,

isang guest room at apat na kwarto ng mga magiging anak nila. Dahil gusto raw ni Selena na

magkaroon ng apat na mga maliliit na bersyon nila.

Pero ngayon ay mukhang sila na lang dalawa ni Elijah ang titira roon, iyon ay kung magagawa niya

iyong tirahan.

Napakarami nang nagbago sa buhay ni Dean sa loob lang ng ilang linggo. Sa huli ay pumayag rin si

Leonna na makipag-areglo sa kanyang ama at ipa-annul ang kasal ng mga ito. Kahit bakas pa rin ang

matinding galit nito sa mga nangyayari ay wala itong nagawa dahil nagbanta ang ama na ibubuking sa

publiko ang panloloko nito. Wala rin itong nakuhang kahit na ano mula sa ama maliban sa mansyon

pero pinamanahan ng huli si Adam ng fifteen percent ng shares nito sa ATC.

Sa kalaunan ay natuklasan na rin ni Adam ang lahat. At kahit pa sinabihan na ito ng ama na malaya

itong patuloy na magtrabaho sa ATC ay kusa pa rin itong umalis doon. At siya… ipinagtapat na ng ama

sa publiko ang tungkol sa kanya. Siya na ngayon ang nag-iisang tagapagmana ng mga Trevino.

Dahil may angkin ring galing at husay ay si Dean ang kasalukuyang namamahala sa ATC na sa oras

na ma-finalized ang lahat ay magiging Trevino Corporation na lang dahil ibinenta na ni Zandro sa

kanila ang lahat ng shares nito sa kompanya. Tuluyan na itong nagretiro sa pagnenegosyo.

Napakalaking responsibilidad kaagad ang nakaatang sa mga balikat ni Dean. Mabuti na lang at

ginagabayan siya ng ama sa bawat desisyon niya. May ilang kumukwestiyon sa kakayahan niyang

mamahala kaya nagsisikap siya na lalo pang husayan ang pagtatrabaho pero sinisiguro niya na hindi

siya nawawalan ng oras sa kanyang anak. Paminsan-minsan ay nakakahanap pa rin siya ng panahon

para magpinta.

Dean now had everything that money can buy. Secured na ang hinaharap ni Elijah. Marami sa mga

nangmaliit sa kanya noon ang personal pang humingi ng tawad sa kanya. Marami na ang mga

nagkakainteres na lumapit sa kanya. Pero wala iyong halaga sa kanya.

Sa kabila ng angking yaman ay nananatili siyang tumutuloy sa San Diego Compound. Gustuhin man ni

Dean na bilhin na lang iyon sa may-ari ay hindi raw nito ipinagbibili iyon. Totoo nga siguro ang sumpa

roon dahil sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Selena pero tumira man siya roon ay wala nang

mawawala sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang karelasyon.

Noon at ngayon ay mananatiling pagmamay-ari ni Selena ang puso niya na siyang dahilan kung bakit

naroroon pa rin siya. Dahil gusto niyang sariwain sa isip ang mga masasayang alaala nilang mag-anak

sa unit na iyon.

Naipaalam na rin ni Dean sa kanyang ama ang nangyari sa nakalipas na mga taon. Ito ang siyang

nagpayo sa kanya na umamin na kay Selena at ipagtapat ang kanyang karapatan. And he wanted to

do that. Gusto niyang lumaban muli. Lalo na ngayon na may maipagmamalaki na siya.

Pero noong nakaraang araw ay nadatnan ni Dean sa mansyon ng mga Avila na naghahalikan sina

Selena at Adam. Agad na nalimutan niya ang planong pag-amin. Doon na tuluyang nalusaw ang

kahuli-hulihang tapang niya. Noong mga sandaling iyon ay kasama niya pa mismo ang kanyang anak

nang bumisita siya roon. It was too painful that he had to walk away as fast as he could to spare him

and his son from more pain.

Mapaklang natawa si Dean nang maalala ang anak na paulit-ulit na tumatawag ng mama habang

sakay sila ng kanyang kotse. Kahit karga na ito ni manang Ester ay patuloy pa rin itong nag-iiyak.

Kasalanan niya. Gabi-gabi ay parati niya pa ring kinukwentuhan ang bata ng tungkol sa ina nito

kasabay ng pagpapakita ng larawan ng huli rito kaya siguro ay nakilala pa rin nito si Selena.

Iyong nangyari sa kanila ni Selena sa isla sa St. Lucia, parang isang fairytale. They had their time. And

it was wonderful. Pero siguro nga ay hanggang doon na lang iyon. Dapat nga siguro na makuntento na

siya sa once upon a time na kwento nilang dalawa. Dapat ay masaya na siya dahil sa kabila ng hirap,

hindi pa rin siya mag-iisa dahil may iniwanan pa rin sa kanya si Selena. Si Elijah.

Naipaayos na ni Dean ang annulment papers nila ni Selena sa abogado niya. Pirmado niya na rin iyon.

Ang pirma na lang ni Selena ang kulang at maipo-proseso na iyon. Ipinadala niya na sa mansyon ng

mga Avila ang annulment papers. Hindi niya kakayanin kung siya pa mismo ang magdadala niyon at

magpapapirma kay Selena dahil siguradong magbabago ang isip niya. Bahala na si Adam o ang mga

Avila kung paano ng mga ito mapapapirma si Selena.

Tutuparin ni Dean ang sinabi niya kay Selena na pakakawalan na ang kanyang prinsesa. Pero

hanggang doon pa lang ang nabubuo niyang plano. Bukod roon ay wala na. Sa ngayon, ang gusto

niya lang ay maging malayang magmahal si Selena at malaya ring makapagpakasal gaya ng gusto

nito.

Tapos na sa wakas ang laban. Natapos na iyon noon mismong araw na nagising si Selena. His body

was willing to fight a little more but his heart and soul were both too drain to join his battle. Suko na

siya.

“DAD?” Maingat na itinulak ni Selena ang pinto sa library ng mansyon para silipin kung naroroon ang

ama. Simula nang magretiro ito ay lalo pa itong nagpursige sa para bang panliligaw nito sa kanyang

ina. Paminsan-minsan ay lumalabas silang tatlo pero madalas ay hinahayaan niya ang ama na masolo

ang ina na para bang nanlalamig pa rin rito na siyang hindi niya maintindihan.

Sabagay, simula nang magising si Selena na kapos ang alaala sa sarili ay napakaraming bagay niya

nang hindi maintindihan. Noong nakaraang araw ay nagkita sila nina Lilian at Chynna. Dinalaw siya ng

mga ito sa mansyon. Mukhang napakaraming gustong sabihin ng mga ito sa kanya pero ramdam niya

ang pagda-dalawang isip ng mga ito pati na ang matinding pagkailang ng mga ito sa kanyang ama.

“Follow your heart. And only then will you find the answers to your questions. Minsan mo nang sinunod

ang puso mo. Kaya ‘wag kang matakot na sundin ito lalo na ngayon, Selena.” Para bang may laman

pang sinabi ni Chynna bago ito nagpaalam sa kanya.

“Just so you know, I still don’t believe in the curse.” Ang mga sinabi namang iyon ni Lilian ang sumunod

na sumagi sa isipan niya.

Muling para bang may pumitik na kung ano sa sentido ni Selena. Ilang ulit niya nang sinisikap na

makaalala dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang kutob na may inililihim sa kanya ang mga tao sa

paligid niya. Pero bago pa man dumating ang magpinsan ay nauna niya nang sinunod ang puso niya.

Nakipaghiwalay na siya kay Adam.

“Hindi talaga nakakalimot ang puso ‘no?” Naglaro sa isip ni Selena na mapait na wika ni Adam nang

itulak niya ito matapos siyang hagkan. Hindi niya maunawaan ang mga sinabi nito dahil nagpaalam na

rin kaagad ito sa kanya noong nagdaang araw.

Sa nakalipas na mga buwan ay sinikap niyang gawin ang lahat para mag-work ang relasyon nila ni

Adam pero hindi niya na kayang patuloy pang linlangin ang sarili. Hindi niya na mahal si Adam. Sa

tuwing tinitingnan niya ang binata, sa tuwing naririnig niya ang mga salita ng pagmamahal mula rito, sa

tuwing hawak nito ang kamay niya, yakap siya o hinahagkan siya, puro pasasalamat na lang ang

nararamdaman niya. She was thankful that he loved her. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na

siya masaya.

Hangga’t maari ay ayaw ni Selena na bumitaw kay Adam lalo pa at alam niyang mahirap ang

pinagdaraanan nito sa pamilya nito dahil sa biglang pagbaliktad ng mga pangyayari sa buhay nito.

Everyone was surprised when Bernardo Trevino just revealed one day that Dean was truly his son.

Tanging ang mga malalapit na lang sa pamilya ng mga ito ang nakakaalam na hindi tunay na anak ni

tito Bernardo si Adam.

Adam was having a hard time. Pero hindi niya kayang patuloy na kumapit sa isang bagay na para bang

matagal nang binitawan ng puso niya. Isa pa ay hindi rin iyon patas para sa binata. Ayaw niyang

patuloy itong lokohin.

Dahil bali-baliktarin man ni Selena ay iba ang nararamdaman niya para kay Dean. Walang sandaling

hindi pumasok ang lalaki sa isip niya. Walang sandaling hindi siya binulabog ng mga sinabi nito noong

huling pagkikita nila. Gustong-gusto niya itong puntahan pero natatakot siya sa posibleng isipin nito

tungkol sa kanya. Na pagkatapos ng kapatid nito ay ito naman ang isusunod niya?

Bukod pa roon ay hindi niya pa nakakausap ang mga magulang tungkol sa paghihiwalay nila ni Adam.

Ang buong akala ng mga ito pati na ng umaasa pa rin hanggang ngayon na si tita Leonna ay sila pa rin

ni Adam ang magkakatuluyan.

Tumuloy pa rin si Selena sa library kahit na hindi nakita roon ang ama. Doon niya na lang siguro ito

hihintayin. Ang ama ang una niyang kakausapin tungkol sa kinahantungan ng relasyon nila ni Adam

tutal ay ito ang una pa man ay may gusto nang magpakasal sila ni Adam, ito ang siyang

nakipagkasundo sa mag-asawang Trevino. She was hoping that her father will understand. At

pagkatapos ay bahala na pero pupuntahan niya na si Dean.

Naupo si Selena sa harap ng mesa ng ama. Kumunot ang noo niya nang mayroong mapansing brown

envelope doon. Sa labas niyon ay may nakalagay na buong pangalan ni Dean. Ilang sandaling tinapik-

tapik niya ang mesa, nag-aalinlangan sa iniisip na gawin. Anomang laman niyon ay para sa kanyang

ama lang kaya iyon naroroon pero hindi niya mapigil ang namumuong curiosity.

Everything about Dean intrigued her. Parating parang may laman ang mga salita at titig nito noon sa

kanya. Mayamaya, nang hindi na mapigilan ang sarili ay tiningnan ni Selena ang laman ng envelope.

Napaawang ang bibig niya nang mabasa ang nilalaman ng mga dokumento. Annulment papers iyon…

nila ni Dean na pirmado na ng huli. Ilang ulit niyang ikinurap-kurap ang mga mata para siguruhin na

hindi siya nililinlang lang ng kanyang paningin pero iyon at iyon pa rin ang nababasa niya.

Kumakabog ang dibdib na napatayo si Selena. Kasal sila ni Dean? Anong ibig sabihin niyon? Bakit

walang nagpaalam sa kanya? Ipinapa-annul na nito ang kasal nila pero hayun siya at walang

kamuwang-muwang sa pinaplano nito?

Ilang sandaling nagpalakad-lakad si Selena sa loob ng library. Nanlalamig ang kanyang mga palad sa

pinaghalo-halong emosyon. Napakarami niyang tanong. Pero bakit parang walang gustong magbigay

sa kanya ng mga sagot? Nang hindi na makatiis ay nagmamadaling nanakbo si Selena palabas ng

library, palabas ng mansyon. Nasalubong niya pa ang nagtatakang ina pero inignora niya ito. Kahit ito

ay hindi niya sigurado kung pagkakatiwalaan niya pa. Gaano karami pa kaya ang posibleng itinatago

ng mga ito sa kanya?

Kung ganoong halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay pinaglilihiman siya, sino pa ang

pagkakatiwalaan niya?

God… Halos pasigaw na inutusan ni Selena ang gwardya na buksan ang gate. Mabilis ang kilos na

sumakay siya ng kotse at pinatakbo iyon. Noong nakaraang mga linggo niya pa nalaman ang address

ni Dean. Ipinahanap niya iyon kay Domingo na kataka-takang kabisado ang tinutuluyan ng asawa niya.

Dahil nang iutos niya iyon rito, oramismo ay dere-deretsong ni-recite nito sa kanya ang address ni

Dean. It was like Domingo was familiar with the address the way that she was familiar with it.

San Diego Compound. Nakasisiguro siyang narinig niya na iyon. At ang daan papunta roon… bakit

parang kahit nakapikit siya ay tanda niya?

Nang makarating si Selena sa compound ay madilim na. Parang kabisado na ng mga paa niya ang Upstodatee from Novel(D)ra/m/a.O(r)g

tiyak na patutunguhan. Unit 1-E. Pero bago pa man siya makarating roon ay may humarang sa

kanyang babae na mukhang nakatira rin sa isa sa mga unit roon. Kahit ang mukha nito ay pamilyar din

sa kanya.

“Hi,” Bati nito. “I heard what happened to you and your child. I’m sorry that you lost your baby, Selena.”

Napasinghap si Selena sa narinig. Muli ay kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya na ito nasagot.

Wala sa sariling tumuloy siya sa unit 1-E. Hindi pa man siya kumakatok sa pinto ay bumukas na iyon.

Bumungad sa kanya ang isang matandang babae na maaliwalas ang bukas ng mukha. May kalong

itong bata. Ang anak ni Dean. Si Elijah.

“Anak!” Agad na bulalas ng matanda. Bago pa man makapagsalita si Selena ay hinila na siya nito

papasok sa bahay. “Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Shera. Pero natitiyak ko na may plano ang

Diyos.” Napaluha ang matanda. “Bakit ngayon ka lang umuwi, anak? Ano ba ang nangyari sa ‘yo?”

Hindi na nakaimik pa si Selena. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Naroroon ang painting niya

kasama ang dalawang sanggol na babae at lalaki. Ang lalaki ay kamukhang-kamukha ni Dean habang

kamukha naman niya ang babae. Napakaliwanag ng anyo niya roon. May ningning sa kanyang mga

mata at mayroong masayang ngiti sa mga labi. Bukod roon ay mayroon pang ibang mga larawan

siyang nakita. Mga larawan niya na kasama niya si Dean… at ang mga bata.

Nag-init ang mga mata ni Selena. Mabilis na naupo siya sa naroong sofa sa takot na bumigay ang mga

tuhod niya. Sumunod na napatitig siya sa batang lalaki na ngayon ay mabagal na humahakbang

palapit sa kanya. Natumba ito pero pinilit nitong muling bumangon at tumayo. Natutop niya ang

kanyang dibdib nang magpatuloy sa paghakbang ang bata. Mayroong munting ngiti sa mga labi nito.

Awtomatikong ibinukas niya rito ang kanyang mga braso kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.

Pumaloob sa mga naghihintay na braso ni Selena ang bata. Kinarga niya ito habang patuloy pa rin sa

pagbagsak ang kanyang mga luha. Nang hindi na mapigil ang sarili ay niyakap niya ito. Mariing naipikit

niya ang mga mata nang marinig ang paghagikgik nito. Kasabay niyon, bigla ay may mga boses siyang

naririnig sa kanyang isipan. Iyon ang para bang nagdu-duet na pag-iyak ng mga sanggol.

“Ano bang klase ng bahay ang gusto mong itayo natin rito, mahal?” Muli ay ginambala ng boses na

iyon ng estranghero ang isip ni Selena pero sa pagkakataong iyon ay malinaw na wala siya sa loob ng

isang panaginip.

Hindi nagtagal ay bahagyang luminaw ang mga imaheng nakikita ni Selena sa kanyang isipan. Nakita

niya ang sarili na kalong si Elijah habang ang kausap niyang estranghero ay naaninag niyang may

kalong rin na batang babae. Hindi niya pa makita ng husto ang mga ito dahil parang natatakpan ang

kalahati ng mukha ng mga ito ng kung anong madilim na kulay.

“How about you? What’s your dream house, mahal?” Ani Selena. “Syempre, dapat pareho nating

paplanuhin iyon dahil iyon ang magiging permanenteng tirahan natin.”

Para namang naaaliw na natawa ang estranghero. “Come on. Nakita ko ang iginuhit mo sa sketch pad

mo noong nakaraang linggo. I know that was your dream house, mahal. Hinihintay ko lang na iabot mo

sa akin ang design para maipagawa na natin. Don’t mind me. Alam mo namang ikaw lang ang

pangarap ko. Nasa tabi na kita. Idagdag pa itong mga makukulit na tsikiting na ito.” Inginuso nito ang

mga sanggol na kalong nila. “Buo na ang buhay ko. Buo na ang pangarap ko. What more can I ask

for?”

Malawak na napangiti si Selena. “Nasabi ko na ba sa ‘yo kung gaano ako kaswerte dahil ako ang

minahal mo? I love you so much, Dean.”

Dean. Agad na napamulat si Selena. Kung ganoon ay si Dean… ang lalaki sa kanyang mga

panaginip? Unti-unting nagkaroon ng tunog ang kanyang pag-iyak. Muli siyang napatitig kay Elijah.

“Mam-ma. Mam-ma.” Kumakawag pang wika ng bata habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

“Mam-ma.”

“Oh, God. Oh, God.” Napatayo si Selena. Parang mababaliw na naiabot niya ang bata sa matandang

babae roon na mabilis namang kinuha nito. Nanginginig ng husto ang kanyang mga kamay at

natatakot siyang mabitiwan ang bata anumang oras. Napahawak siya nananakit nang ulo. Para iyong

pinupukpok ng kung anong napakatigas na bagay.

“Selena?”

Mabilis na tumuon ang mga mata ni Selena sa bungad ng pinto nang marinig niya ang pamilyar na

baritonong boses na iyon. Nakita niya si Dean na puno ng pag-aalala ang anyong nilapitan siya.

“Dean.” Wala sa loob na bulong niya. “Dean.” Napasigok siya. Dumiin ang pagkakahawak niya sa ulo

na patindi nang patindi ang pananakit. Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay napasigaw siya

kasabay ng pagbigay ng mga tuhod niya. Pero bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig ay agad

na nasalo na siya ni Dean.

Muling naipikit ni Selena ang mga mata kasabay niyon ay para siyang nanonood ng isang pelikula na

sunod-sunod na nanumbalik sa kanya ang lahat.

“Selena? Selena, anong nangyayari sa ‘yo?” Marahang niyugyog ni Dean ang mga balikat ni Selena

pero nanatili siyang hindi dumidilat. “Manang, tumawag ka ng ambulansya, please!”

Napahagulgol si Selena. Palakas iyon nang palakas. Ni hindi niya magawang magmulat… sa

matinding panliliit, sa takot, sa galit at sakit na alam niyang lahat ay masasalamin niya sa mga mata ng

kanyang… asawa.

“Selena, utang na loob, magsalita ka. Sabihin mo naman sa akin, mahal, kung anong masakit sa ‘yo,

please.”

Namimigat man ang ulo ay sinikap pa rin magmulat ni Selena. Pero sandali lang iyon. Dahil mayamaya

ay bigla na lang nagdilim ang lahat sa kanya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.